Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Mahalaga ang paglilinang ng angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Ang paglilinang dito ay pagsasanay para sa kanilang kinabukasan. Mahalaga na malaman ng mga kabataan palang kung paano nila pangangalagaan ang kanilang sarili. Natuturuan rin sila ng tamang pakikisalamuha sa iba lalo na sa hindi nila kasekso. Nakakatulong ito upang ma-ihanda sila sa kanilang mga mapipiling karera o propesyon.
Mga Bagay Na Dapat Matamo Ng Nagdadalaga At Nagbibinata Sa Development tasks
Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na dapat matamo ng nagdadalaga at nagbibinatasa development tasks:
- Pagiging mature sa pakikisama iba at sa mga hindi nila kasekso
- Pagtanggap sa pagbabago ng kanilang mga katawan at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili
- Pagiging responsible sa kanilang emosyon at hindi nakadepende sa kanilang mga magulang
- Ang kaalaman tungkol sa sex at kabatiran na ito ay para lamang sa mag-asawa
- Madevelop ang kanilang kakayahang umunawa sa mga bagay bagay at magtakda ng kanilang mga sariling paniniwala at pananaw
- Natutulungan ang mga kabataan na makilala ang kanilang katayuan sa buhay
Kahalagahan Ng Pagsasanay Sa Mga Kabataan
Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pagsasanay sa mga kabataan:
- Kailangan ang pagsasanay upang matulungan ang mga kabataan na malaman ang kanilang mga nais at gusto nilang tahakin sa buhay
- Kailangan ang pagsasanay upang maging bihasa ang mga kakayahan ng mga kabataan
- Kailangan ng pagsasanay upang magkaroon ng kaunawaan ang mga kabataan at magamit nila ito sa kanilang pamumuhay
Alamin ang iba pang opinyon:
Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?:
https://brainly.ph/question/18651
Kakayahan ng nagdadalaga/nagbibinata na inaasahan na maiayon ang sarili sa bawat sitwasyon.:
https://brainly.ph/question/3307388
#BrainlyEveryday
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.