Dahil sa edukasyon at kayamanan ng Burgesya o Bourgeoisie, nagawa nilang mapabilang sa panggitnang uri ng lipunan noon. Ang husay nila sa negosyo at pakikipagtransaksyon ang naging dahilan kung bakit nabigyan sila ng posisyon sa pamahalaan. Dahil dito, nagsulong sila ng mga reporma upang magkaroon ng pagkapantay-pantay sa lipunan. Ang mga pagbabagong isinulong nila ang nagpalakas at nagbigay ng kapangyarihan sa kanila upang magkaroon ng transpormasyon ang lipunan at ekonomiya.