IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ano ano ang mga bahagi ng aklat


Sagot :

Pabalat - ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.
Pahina ng Pamagat - nakasaad dito ang pamagat ng aklat at pangalan ng may-akda nito.
Pahina ng Karapatang-ari - makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag.
Paunang Salita - nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.
Talaan ng Nilalaman - makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.
Katawan ng Aklat - makikita rito ang mga paksa at araling nilalaman ng aklat.
Glosari - nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit sa aklat.
Bibliograpi - nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon.
Indeks - nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.