Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

"“Ang pagpapakatao ay pagiging maingat sa paghuhusga.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Mahalaga ang maingat na paghuhusga upang maiwasan ang mga maling pagpapasiya na makakasama sa ating sarili.
b. Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay hudyat ng matalinong pagpapasiya na mangangalaga sa kapakanan ng tao.
c. Laging tandaan na ang unang hakbang sa paggawa ng kabutihan ay maingat na pagpapasiya.
d. Nagiging ganap ang pagpapakatao kapag hindi nanghuhusga ng kapuwa kahit may matibay na katibayan."


Sagot :

b. Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay hudyat ng matalinong pagpapasiya na mangangalaga sa kapakanan ng tao.                                                                                                                    

Naaayun ito sa kung ano ang karapatan ng isang tao. Bagaman lahat ng tao ay may karapatan upang gawin ang kahit anumang bagay pero hindi ibig sabihin non na gagamitin niya ito sa panghuhusga. Walang karapatan nino man na panghusgahan niya ang kahit sinong tao dahil ang bawat isa ay nilikha ng Diyos na taglay ang pag ibig na naaayon sa salita ng Diyos na nakasaad sa 1Juan 4:8, ibig sabihin walang pag ibig ang taong mapanghusga.

Si Jesus mismo ang nagpapahayag na nakasulat sa salita ng Diyos na mababasa sa Marcos 4:24 Sinabi pa niya sa kanila: “Magbigay-pansin kayo sa inyong pinakikinggan. Ang panukat na inyong ipinanunukat ay ipanunukat sa inyo, oo, higit pa ang idaragdag sa inyo. Sang ayon ito sa pananaw ng ating Diyos na gusto niya na ang bawat isa ay may pag ibig.  

Ang taong hindi mapanghusga ay makakamit ng kapayapaan sa kapwa, sa Diyos at lalo na sa sarili. Kaya kung may karapatan man ang isang tao sa kahit anung bagay ay dapat gamitin niya ito sa mabuting paraan.  

Kapwa- wala kang magiging kaaway at walang magagalit sayo dahil alam mong dika nghuhusga.  

Diyos- malinis ang budhi sa harap ng Diyos dahil alam niyang yan talaga ang gusto ng Diyos na mahalin ang kapwa. Sabi pa nga ng Diyos sa Mateo 5:44 “Gayunman, sinasabi ko sa inyo: Patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway at ipanalangin yaong mga umuusig sa inyo”. Ibig sabihin kung gusto ng Diyos na mahalin ang kaaway e anu pa kaya ang panghuhusga sa kapwa.  

Sarili- magiging masaya ang isa kapag mapayapa ang kanyang sarili dahil alam niyang malinis ang kanyang budhi at hindi siya uusigin ng kanyang budhi dahil alam niyang gumagawa siya ng tama.