Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu. Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Sanaysay na Pormal
- Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
- Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.
- Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat, magturo o magpaliwanag.
- Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi ng may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito'y base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
- Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso at teknikal.
- Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.
Sanaysay na Di-Pormal
- Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding Sulating Impormal.
- Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng sumulat nito.
- Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling karanasan o opinyon ng may-akda.
- Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo, magpatawa o mangganyak.
- Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka-malikhain ng may-akda.
- Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.
Iyan ang kahulugan ng sanaysay na pormal at di-pormal. Sana ay makatulong ito kapag sumulat ka ng iyong sariling sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click at basahin:
- Ano ang isang lakbay-sanaysay? https://brainly.ph/question/491100
- Ano nga ba ang ibig sabihin ng sanaysay? https://brainly.ph/question/454272
- Anu-ano nga ba ang mga bahagi ng isang sanaysay? https://brainly.ph/question/167003
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.