Answered

Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

ano-ano ang mga bahagi ng komiks

Sagot :

Mga Bahagi ng Komiks :

1. Pamagat ng Kuwento - pamagat ng komiks, pangalan ng komiks.

2. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento- mga guhit ng tauhan na binibigyan ng kuwento.

3. Kuwadro- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame).

4. Kahon ng Salaysay- Pinagsusulatan ng maikling salaysay.

5. Lobo ng Usapan- Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan, may iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.

Anyo ng Lobo ng Usapan

  • Caption Box
  • Speech Bubble
  • Scream Bubble
  • Broadcast/ Radio Bubble
  • Whisper Bubble
  • Though Bubble

Ano ang Komiks?  

  • Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.  
  • Isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
  • Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto nang higit na may lalim.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa komiks, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang kahulugan ng Komiks?? https://brainly.ph/question/417496

Mga Uri ng Komiks:

1. Alternative Comic Books- karaniwang naglalahad ng istorya base sa realidad.

2. Horror- mga istoryang katatakutan.

3. Manga- ito ay mga komiks na nanggaling sa Japan.

4. Action- ito ay naglalahad ng mga istorya ng mga superhero.

5. Romance/adult- ang komiks na ito ay naglalahad ng istorya ng pag-ibig.

6. Science fiction/fantasy- ang komiks na ito ay karaniwang naglalaman ng mga bagay mula sa imahinasyon.

Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng Komik Istrip:

  • Alamin ang sariling hilig o istilo.
  • Tukuyin ang pangunahing Tauhan.
  • Tukuyin ang tagpuan.
  • Tukuyin ang balangkas ng kwento.
  • Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kwento.
  • Ayusin at pagandahin ang gawa.

Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

Dr. Jose P. Rizal- siya ang sinasabing kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya.

Mga unang kilalang komiks:

Halakhak Komiks (1946)  

Pilipino Komiks (1949)  

Tagalog Komiks (1949)  

Silangan Komiks (1950)

Para sa karagdagang ideya tungkol sa halimbawa ng komiks, maaaring magpunta sa link na ito: Ang komiks at mga halimbawa nito: https://brainly.ph/question/84167

Humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang ipatanggal ng ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan ang kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na lamang sa Amerika sa parehong industriya. Ito ay sina Alfredo Alcala, Mar Amongos at Alex Nino.

Muling namuhunan ang industriya ng komiks pagkatapos ng Martial Law. Sumikat sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang interes sa komiks ay tumagal lamang hanggang 1990. Nahumaling kasi ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.

Carlo J. Caparas- tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas noong 2007.

Mga komikerong kilala sa labas ng Pilipinas:  

Gerry Alanguilan  

Whilce Portacio

Philip Tan

Alfredo Alcantara

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ang Katangian at Kahulugan ng Komiks:  https://brainly.ph/question/91643