IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

ano ang ibig sabihin ng literal na kahulugan

Sagot :

Ang literal na kahulugan ay tumutukoy sa tunay na kahulugan ng salita; ito ay walang malalim na kahulugan o ideya.

Halimbawa at Gamit sa Pangungusap:

bato – matigas na bagay na likas na matatagpuan sa kapaligiran; kadalasan ay makikita sa tabi ng ilog.

  • Kumuha ng maliliit na bato si Melba upang ilagay sa plorera.

digmaan – tumutokoy sa labanan ng dalawa o higit pang magkaaway na panig; kasingkahulugan nito ang salitang giyera

  • Ang digmaang naganap noong World War 2 ay lubos na nagpahirap sa mga bansang kasama dito.

bola – uri ng laruan na hugis bilog at tumatalbog.

  • Masayang naglalaro ng basketbol ang magkakaibigan ng biglang nabutas ang bola nilang ginagamit.

paaralan – ito ay lugar na kung saan ang mga mag-aaral ay pumapasok upang matuto.

  • Masayang nagtungo si Eva sa paaralan sapagkat nais niyang magkaroon ng bagong kaalaman.

walis- ito ay uri ng bagay na ginagamit sa paglilinis; tinitipon nito ang mga dumi upang madaling dakutin at itapon.

  • Kumuha ng walis si Marta upang linisin at tipunin ang mga tuyong dahon na pumatak mula sa mga punong kahoy.

tubig – ito ay isa sa yaman ng kalikasan; likido o dumadaloy ang pisikal na anyo nito.

  • Sa init ng panahon ay nagmamadaling kumuha si Mario ng tubig upang maibsan ang uhaw nito.

kutsara – isang uri ng kagamitan na makikita sa kusina o tuwing kumakain; ginagamit ito sa pagkuha o pagsandok ng pagkain.

  • Kumuha si Elias ng kutsara upang gamitin sa pagkain ng sorbets.

papel – isang uri ng bagay na ginagamit upang sulatan o talaan.

  • Binigyan ni Hilda ang kanyang kamag-aaral ng papel upang may masulatan ito sa kanilang pagsusulit.

Para sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/1998584

https://brainly.ph/question/1127013

#LearnWithBrainly