Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang pagkakaiba ng makroekonomiks at maykroekonomiks

Sagot :

Pagkakaiba ng Makroekonomiks at Maykroekonomiks

Ang pagkakaiba ng macroekonomics at maykroeconomics ay matutukoy batay sa mga saklaw nito. Pareho silang sangay ng ekonomiks ngunit ang pagkakaiba ay ang tinututukan o pinag-aaralan sa galaw ng ekonomiya.

Ang makroekonomiks (macroeconomics) ay sangay ng ekonomics na sumasaklaw tungkol sa pag-aaral sa galaw ng ekonomiya bilang isang kabuuan (as a whole economy) habang ang maykroekonomiks (microeconomics) ay sangay ng ekonomiks na sumasaklaw tungkol sa pag-aaral sa galaw ng ekonomiya batay sa bawat indibidwal, maliit na yunit ng lipunan o industriya.

Ang makroekonomiks ay tunkol sa mga ekonomiks na usapin tulad ng implasyon, paglaki ng kita sa nasyonal, rehiyonal o global na saklaw habang ang maykroekonomiks ay tunkol sa mga ekonomiks na usapin tulad ng paglaki ng kita ng isang industriya, indibidwal o maliit na yunit ng lipunan at surplus ng prodyuser at konsumer.

Ano ang pagkakaiba ng makroekonomiks at maykroekonomiks https://brainly.ph/question/574801

Ano ang halimbawa ng makroekonomiks at maykroekonomiks? https://brainly.ph/question/471018

Ano ang layunin ng makroekonomiks https://brainly.ph/question/1977645

#BetterWithBrainly