IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Ano ang entitlement mentality

Sagot :

Entitlement Mentality:

Ang entitlement mentality ay ang paniniwala o pag - iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin.  

Ang kawalan ng pasasalamat ay masasalamin sa entitlement mentality. Sapagkat iniisip ng taong ito na kailangang ibigay ang kaniyang mga karapatan kahit walang katumbas na gamapanin o tungkulin. Isang halimbawa nito ay ang kawalan ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang mga magulang bunsod ng pag - iisip na ang mga sakripisyong kanilang ginagawa ay bahagi lamang ng pagtupad ng kanilang mga tungkulin at karapatan nila bilang mga anak. Bagaman tamang sabihin na obligasyon o tungkulin ng mga magulang na pag - aralin ang kanilang mga anak, dapat pa ring matutunan ng mga anak na tumanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang. Isa pang halimbawa nito ay ang hindi pagbibigay pasasalamat para sa "frontliners" ngayong panahon ng Covid - 19 sapagkat iniisip ng marami na ito ay kanilang tungkulin.

Keywords: entitlement mentality, kawalan ng pasasalamat

Halimbawa ng Entitlement Mentality: https://brainly.ph/question/1053113

#BetterWithBrainly