Ang Alps at Apennine Mountains ay nasa hilaga ng Roma at nagsisilbing harang sa Hilaga. Ang Tiber River naman ay nagsilbing kuhaan ng tubig at ito rin ay naguugnay sa Mediterranean Sea at Roma na nagbigay daan sa pakikipagkalakalan sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea. Maunlad rin ang Agrikultura ng Roma kaya kaya nitong sumuporta ng malaking populasyon.