Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

plsss helpp need ko na po ito
.
.
nonsense answer report.

.
.
paki ayos po pls
.

Panuto: Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay unti unti na nating nakakamit sa panahon ngayon. Sumulat ng isang sanaysay na nagpapaliwanag kung bakit dapat isulong ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. (30 points)​


Sagot :

Answer:

Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (kilala rin bilang gender equity, gender egalitarianism, o sekswal na pagkakapantay-pantay) ay ang layunin ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o ng mga seks,[1] na nagmumula sa paniniwala sa kawalan ng katarungan na may iba't ibang anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian

.

Explanation:

You can do it By your self But, Makakatulong Ito. Pwede Mo itong idagdag sa sanaysay na gagawin mo.

Nagiging mainit na usapin muli ang pagkakapantay-pantay ng mga tao ayon sa kanilang kasarian. Matapos isulong noon ng mga kababaihan ang kanilang karapatan, ngayon naman ay ang miyembro ng LGBTQIA community ang sumisigaw ng pantay na pagtingin.

Hati pa rin ang sambayanan sa kasalukuyan sa ganitong konspeto ng respeto. Para sa ilan, hindi katanggap-tanggap ang kasariang labas sa pagiging lalaki at babae.

Labag daw ito sa salita ng Diyos at hindi raw dapat kinukunsinte. Pananaw naman ng ilan, pagtanggap ang kailangan nila dahil katulad rin sila ng normal na mga nilalang.

Ngunit kung lalawakan ang ating isip, hindi nga dapat husgahan ang isang taon batay sa kaniyang kasarian. Walang pinipiling kasarian ang pagiging makatao at mabuting nilalang. Hindi mahalaga kung ano ang pananaw ng isang tao sa kaniyang pagkakakilanlan.

Ang mahalaga ay naipakikita ang disiplina at nagiging produktibong bahagi ng ating komunidad. Basta mayroong pagsusumikap ay dapat lamang yakapin at tignan ang kanilang kontribusyon sa ating lipunan.

Huwag sanang mabulagan ang mga tao dahil lamang sa sekswalidad nito. May mga ‘normal’ nga ang piniling landas pagdating sa kasarian ngunit tila wala namang pakinabang sa kanilang kapuwa at nagiging salot pa sa lipunan.

Sinusukat tayo ng Diyos sa kabutihan ng ating loob at hindi sa anyo at paniniwala sa buhay.