IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

2. Ano-ano ang apat na paraan ng pagsisiwalat ng pagmamahal sa bayan ayon sa may-akda?
a.
b.
c.
d.​


Sagot :

Answer:

Isa itong napakagandang tanong na dapat sagutin. Para sa akin, utang ko ang buhay ko sa bansang aking kinalakhan. Ito ang bayang umaruga sa akin, nagturo at nagpalaki. Andito ako ngayon, buhay at isang mabait at responsableng mamayan ng dahil sa mga kulturang kinagisnan ko. At isa pa, kung ikaw mismo na ipinanganak at namuhay sa sarili mong bayan ay di mo ito pahahalagahan at mamahalin, sino pa ang gagawa nun? Ang mga banyaga pa ba ang aasahan nating magmahal sa bansa natin?

Kung mahal mo ang bansa mo, kaya mo dapat gawin ang lahat kahit ialay mo pa ang buhay mo para mailigtas ito. Mahirap gawin pero para sa mga taong handang gawin ito, tulad ni Bonifacio, ay maituturing na bayani ng ating bayan. Napakaganda nga ng sinabi niya sa huling talata ng tula. Sinasabi niya roon na dapat natin ialay ang ating pag-ibig pati narin hanggang kahulihulihang patak ng dugo natin para sa kaligtasan at kaayusan ng bayan natin.

Mahirap nga namang gawin ang tulad ng ginawa ni Bonifacio at bihira lang ang makakagawa nito. Di lang naman ito ang paraan para maipakita natin ang pagmamahal natin sa bayan. Maraming simpleng paraan ang pwedeng gawin ng bawa't isa sa atin. Sa simpleng pagtangkilik sa sariling gawang produkto at serbisyo ay isang paraan na upang maipakita natin ang pagmamahal sa bayan. Ipagmalaki natin ang gawang atin at wag ito ikahiya. Alagaan natin ang ating kapaligiran at tulungan ang mga kapwa Pilipinong nangangailangan. Maaaring maliit o simple lamang ang mga hakbang na ito ngunit sapat na ito kung ito'y ginagawa mo ng bukal sa iyong puso.

Ano man ang estado ng ating bansa ngayon ay di dapat tayo mahiya. Dapat nga ay matuwa tayo at ipagmalaki ang mga bagay na nakagaganda ng ating bansa. Wag natin masyadong pagtuunan ng pansin ang mga bagay na di maganda sa ating bansa kundi ang mga magagandang bagay na ating maipagmamalaki. Ang mga bagay na di-maganda ay dapat baguhin upang mas lumitaw pa ang kagandahan ng inang bayan.

Tayo na't magtulungan, kapit bisig, mahalin at ipagmalaki ang lupang tinubuan!

Explanation:

Basahin Nyo nalang Baka mahanp nyo jan yung sagot:)