IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Ang Kapuluang Spratly o Spratly Islands ay isang kapuluan na nagtataglay ng mahigit-kumulang 100 maliliit na pulo na nasa Dagat Timog Tsina. Hindi alam at pinagtatalunan ang hanganan ng kapuluan. Bahagi ito ng Palawan[kailangan ng sanggunian], at napapalibutan ito ng dagat na mayaman sa isda at mga malalaking deposito ng langis. Dahil dito, pinag-aagawan ito ng iba't ibang bansa. Ang mga bansang Republika tulad ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC), Republika ng Tsina (Taiwan), at Vietnam ay inaangkin ang kabuuan ng kapuluan, habang ang mga bansang Brunei, Malaysia, at ang Pilipinas ay inaangkin ang iba't ibang bahagi.
Mapa ng mga Pulo ng Spratly
Matatagpuan ang kapuluan sa Timog-silangang Asyang pangkat ng bahura at mga pulo sa Timog Dagat Tsina, mga dalawang-katlo ang layo mula katimugang Vietnam at katimugang Pilipinas.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.