IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
ARAW NG REPUBLIKA
Noong Hulyo 4, 1946, pormal na kinilala ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas. Ito ang nagsilbing pagtatapos ng isang mahabang prosesong sinimulan pa noong 1916, kung kailan ipinangako ng Batas Jones na sa loob ng ilang taon ay pagkilala kikilalanin na rin sa kasarinlan ng Pilipinas, at sinimulan ng Tydings- McDuffie Act ng 1933 ang sampung taóng panahon ng transisyon upang maghanda para sa kasarinlan.
Ayon sa kasaysayan, minarkahan ni Manuel Roxas ang kasarinlan ng Pilipinas nang muli siyang manumpa bilang Pangulo ng Pilipinas at inalis ang pledge of allegiance sa Estados Unidos na kinakailangan bago ibigay ang kasarinlan. Dahil dito, nagsimula ang Ikatlong Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Manuel A. Roxas. Patuloy na ipinagdiwang ang “July 4 Independence Day” hanggang sa huling bahagi ng 1962.
Noong 1962, inilabas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Proclamation No. 28, s. 1962, kung saan pinagbisa niya ang pagbabalik ng petsa ng kasarinlan ng Pilipinas mula Hulyo 4 papuntang Hunyo 12–ang petsa ng kalayaan mula sa España na ipinroklama sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Sa kanyang proklamasyon, sinabi ni Pangulong Macapagal na ang ginawang pagtatatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 ang nagmarka ng deklarasyon at pagsasakilos ng karapatan nating magpasya para sa sarili, maging malaya, at makapagsarili
Inampon ni Macapagal ang pananaw ng mga historyador at marami pang lider pampulitika na Hunyo 12 dapat ang petsa ng paglaya ng bansa dahil ang Hulyo 4 ay ang pagpapanumbalik ng kalayaang ito. At ganoon na nga, noong 1941, inilipat din ang Araw ng Watawat papuntang Hunyo 12, mula sa dating pagdiriwang nito tuwing Oktubre simula pa 1919. Ginawa ito upang bigyang-pagkilala ang kahalagahan ng Hunyo 12 noong ipinahayag ang kalayaan ng bansa at pormal na itinanghal ang pambansang watawat at pambansang awit sa mga Filipino.
Explanation:
hope it help
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.