Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Answer:
ay tinatawag ding repleksyong papel. Ito'y pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa. Maaaring isulat ito hinggil sa isang itinakdang babasahin, lektyur, o karanasan gaya ng internship, volunteer work, retreat, atbp. Naglalaman ito ng repleksyon, damdamin, at pagsusuri ng isang karanasan sa napakapersonal na oaraan, kaiba sa paraan ng pormal na pananaliksik.
Hindi ito diary o journal bagaman ang mga ito ay magagamit sa pagpoproseso ng mga repleksyon bago isulat ang repleksyong papel.
Ito'y isang impormal na sanaysay na kadalasang gumagamit ng unang panauhan (ako, tayo, kami) dahil nirerekord nito ang sariling kaisipan, damdamin, at karanasan.
Nag-aanyaya ito ng pagmumuni-muni (isang mahalagang personal at propesyonal na katangian.)
Halimbawa nito:
Replektibong sanaysay ni Harold Kim Neverio
Ano nga ba ang aviation? At ano ang mga bagay na masasabi ng mga estudyante na tumahak sa landas na ito? Ang sanaysay na ito ay pumapaloob sa iba’t ibang repleksyon ng mga estudyante hinggil dito. Nagtanong at nangalap ako ng kanilang mga opinyon tungkol sa usaping ito, at nais ko rin ibahagi ang aking sariling kaisipan at mga naranasan bilang estudyante sa mundo ng aviation. Ang aviation ay isang teknikal na larangan na umiikot sa buhay ng mga pasahero na ninanais ang mabilis na pagbyahe sa pamagitan ng pagsakay sa sasakyang panghimpapawid o eroplano. Ito rin ay mas mabilis mauunawan kapag narinig mo ang salitang pag-pipiloto, madali man maintindihan sa ating pagkakarinig ngunit may mga ibang bagay tayo na dapat isangalang-alang sa larangang ito.
Nasabi niya na sa kanyang katayuan ngayon bilang isang 3rd yr college student na minsan, kinakailangan niyang magpuyat kaya hindi nakukumpleto ang kanyang tulog para matapos lang ang kanyang mga gawain. Bilang isang estudyante alam nating lahat na gagawain lamang natin ang mga bagay na ito kung ito ay nangangailangan ng matinding oras dahil sa dami o hirap ng gawain. Doon pa lamang ipinakikita niya na ang kanyang pananaw sa larangang ito ay may kahirapan. Isa pa sa aking kamag-aral ang aking natanong kung ano nga ba ang dahilan niya sa pagpasok sa larangang ito. Inilahad niya nang walang pagpipigil na hindi niya talaga ninais na pumasok sa industrya ng aviation. Ang mga magulang niya lamang ang may nais nito para sakanya, ngunit nang matanong ko siya kung nahihirapan ba siya sa kanyang tinatahak na kurso. Sinabi niya hindi naman ganoon kahirap ang kanyang mga nararanasan.
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:
brainly.ph/question/1807227
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.