IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
SAGOT:
1.) Laon
2.) Krus
3.) Kristiyanismo
4.) Gerilya
5.) Buwis
EXPLANATION:
1.) Sinaunang Paniniwala at kaugalian Mataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninunong pumanaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan, mga ilog at halamang-gamot, malalaking punungkahoy, kwebang sambahan, mabababangis na hayop. Higit ang pagkilala nila sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno, kung kaya’t inaalayan nila ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay. Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao na namamangka sa takip ng tapayang Manunggul na pinangangahulugang paglalakbay patungo sa kabilang buhay. Bawat kapuluan ay may sari-sariling paniniwala. Katunayan, iba-iba ang mga katawagan nila sa kanilang mga Diyos: Abba sa mga Cebuano, Kabunian sa mga Ilokano, Bathala sa mga Tagalog, at Laon sa mga Bisaya.
2.) KRUS Ang Paglaganap ng Kristiyanismo. Ang mga kinikilalang disipulo ni Hesukristo ang nagpalaganap ng Kristiyanismo. Ang Bibliya ay isinalin sa maraming wika at nagsanga ng iba’t ibang simbahan. Ang Romano Katoliko ang pinakamalaking pangkat ng mga Kristiyano na pinamumunuan ng Papa. Ang Papa ay naninirahan sa lungsod ng Vatican sa Roma. Ang Eastern Orthodox naman ay pinamumunuan ng Patriarch, samantalang ang mga Protestante ay nagsanga ng iba’t ibang samahang pangkat at walang kinikilalang pangunahing pinuno. Pope Francis Banal na Aklat ng mga Kristiyano
3.) Ang Kristiyanismo ay kinapapalooban ng dalawang klase ng paniniwala: una, ang anak ng Diyos ay kinilala bilang si Hesus Kristo; at ang ikalawa naman ay si Hesus Kristo ay mawawalan ng buhay subalit sa pagdating ng panahon siya ay muling mabubuhay upang tubusin ang mga tao sa kanilang pagiging makasalanan. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng relihiyong ito ay ang Papa (Pope) na nananahan sa Roma.
4.) Ang Gerilya ay naging tanyag noong kapanahunan ng pananakop ng mga Hapones sa ating bansa. Ito ay kung saan karamihan sa mga sundalong Pilipino, at maging na rin mga sundalong Amerikano, ay nagtungo sa mga kabundukan upang hindi sila mahuli at mabihag ng mga sundalong Hapones.
5.) Noong taong 1884, ipinalit ang sistema ng pagbibigay ng cedula personal sa paraan ng pagbabayad ng buwis. Ang dating pamamaraan ay ang tinatawag na tribute o tributo.
Ang tribute ay isang uri ng bayad na ibinibigay ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang kolonyal ng Espanya. Ayon sa mga Espanyol, ang pagbabayad ng tributo ay isang paraan upang ipakita ang katapatan ng mga mamamayang Pilipino, partikular na ang mga nasa edad 16 pataas, sa mga Espanyol. Ngunit noong 1884, ito ay pinalitan ng tinatawag na cedula personal. Nakalagay dito ang pangalan, edad, tirahan, estado (kung single o may asawa), trabaho, kasarian, at nasyonalidad.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.