Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

ang may akda ng " Sa Lupa ng Sariling Bayan

STORY: Sa Lupa ng Sariling Bayan​


Sagot :

Answer:

Sa lupa ng sariling bayan

1. Ni Rogelio R. Sikat

2. Alam Mo Ba?  Ang tinatawag na Big C ay cancer. Big C ang tawag dito dahil malaking suliranin kapag nagkaroon ng ganitong sakit ang isang tao. May iba’t ibang uri ng cancer. Ang Pinakakaraniwang kanser ay breast cancer, colon cancer, lung cancer, at prostate cancer.  Maraming klase ng kanser. Ituon natin ang pansin sa kanser sa sikmura. Ang pagkain matapos nguyain at lunukin ay dumadaan sa esophagus o lalamunan at tumutuloy sa sikmura o stomach. Ang sikmura ay isang parang sakong bahagi sa loob ng tiyan na pinag-

3. iipunan ng pagkain at nagsisimulang tunawin ito sa pamamagitan ng paglalabas ng gastric juice. Ang gastric juice at pagkain ay naghahalo at pumupunta sa maliit na bituka na tinatawag na duodenum.  Ang kanser sa sikmura ay isang sakit kung saan ang mga normal na cells sa tissues ng sikmura ay nagiging cancerous at hindi na makontrol. Hindi matiyak ng mga eksperto ang pangunahing dahilan ng kanser sa sikmura subalit maraming bagay ang pinagdududahang may kinalaman dito. Ang stomach ulcer o stomach polyps.  Stomach ulcer ay gasgas o namamagang bahagi ng sikmurang tinatawag ding gastric ulcer.

4.  Stomach Polyps ay ang mga hindi cancerous na butlig o bukol na tumutubo sa stomach activity.  Sa kwentong ito makikilala natin ang pangunahing tauhang si Layo.

5. Tagpuan  San Fernando, Quezon City at San Roque.

6. Tauhan  Atty. Pedro “Layo” Enriquez - Naulila ng maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na amain na kapatid ng kanyang ama. Nagsumikap at naging isang tanyag na abugado sa Lungsod.  Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo.  Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio.

7.  Ising - Ang asawa ni Layo  Fe - Ang bunsong anak ni Layo at Ising  Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag ampon sa kanya.

8. Tauhan:  Atty. Pedro “Layo” Enriquez  Tata Indo  Tiyo Julio  Ben  Ising  Fe

9. Buod  Bata pa lamang ay naulila na si Layo. Kaya't inampon siya ng kanyang tiyuhin na si Tata Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang tanyag na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa Quezon City.

10.  At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng dalawang anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa San Roque kahit na namatay na ang gumawa nito sa kanya. Sa loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo.  Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya.

11.  Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa San Roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin Inilibing.

12. Layunin ng Awtor  Layunin nito na kung anuman ang naranasan natin noon sa mga taong umalipusta at umulila sa atin ay dapat matuto tayong magpasalamat at patawarin sila. Sapagkat kung hindi nila ginawa iyon ay hindi tayo makararating kung anuman tayo ngayon. Kung hindi natin naranasan ang ipinaranas nila sa atin ay hindi tayo lalago at matututo.

13. Aral  Sa bawat takbo at yugto ng buhay ay ikaw ang gumagawa. Kaya't marapat lamang itong pagbutihin at dapat ay maging handa sa lahat ng pagsubok na haharapin.

Explanation:

Di

po

ako

sure

pero

sana

Maka

tulong

remind

me if mali