Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Ang mga negatibong pagkilos ng isa ay kailangan pagtuonan ng pansin upang hindi mauwi sa kapahamakan ang mga ito. Kailangan dito ang tamang pagkokontrol para maagapan ito agad habang maaga pa. Hindi nakakatulong ang mga negatibong pagkilos sapagkat baka lumala pa ang sitwasyon kung patuloy itong mangyayari sa isa, lalo na sa mga bata.
Karaniwang sitwasyon na nakikita sa anak bago mangyari ang isang negatibong kilos:
- Maaari itong mangyari sa kaniya kung siya ay nakakaramdam na ng pagkainip
- Maaari itong mangyari sa anak kung siya ay naiinis na ginagawa niya o kaya nadidismaya na
Kaya ilan lamang ito sa mga naoobserba ng isang magulang sa anak niya kapag mangyayari na isang kilos na masasabing negatibo. Nakikita ito agad ng magulang kung saan kailangan dito ang pagtutuon ng atensyon para masupil ito. Mahalaga na mapansin ito agad para hindi na umabot pa sa punto na magawa niya ang mga mali o masamang hakbangin. Kaya habang sila ay maliit palang, obserbahan at pagmasdan ang mga posibleng dahilan ng mga pagkilos na ito.
Ang mga negatibong kilos ng anak ay maaaring ipaunawa sa kaniya habang siya ay dinidisiplina upang maunawaan niya ito at maitimo sa kaniyang puso at isipan. Malaking bagay ito sa kaniyang paglaki para matuto siya at maging mabuting anak. Gayundin, makikinabang rin ang magulang kapag nalalaman na nila ang mga bagay o sitwasyon na mauuwi na sa mga negatibong kilos. Kaya nalalaman ng mga magulang mismo ang pagkilos ng anak dahil nadarama nila ito at kilala ang paggawi ng anak kung kailan siya kikilos.
Kung ikaw ay mayroong pagnanais pang makapagbasa ng karagdagang detalye hinggil mismo sa ating paksa, puwede mo pang bisitahin ang mga link na ito na nasa ibaba:
Ang kahalagahan ng ating mga magulang sa buhay natin: brainly.ph/question/10914334
Bakit mahalaga ang alalay ng magulang natin sa paghubog sa mga anak na katulad natin: brainly.ph/question/605017
Isang halimbawan tula tungkol sa pagdidisiplina ng magulang sa anak: brainly.ph/question/291691
#BrainlyEveryday
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.