Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

B. Gamitin sa pangungusap ang salita o mga salita sa bawat bilang upang maging angkop ang ugnayan nito sa bubuuing pangungusap. Gawing gabay ang uri ng diskurso na nasa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan. 1. kultura at wika (nagpapaliwanag) 2.mahalaga ang pamamahayag (nangangatuwiran) 3.telebisyon (naglalarawan) 4.Pilipino (nagsasalaysay) 5. balita (nagpapaliwanag)



Sagot :

1.Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din ng wikang yaon.

Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.

3.Ang telebisyon or TV ay isang sestemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtatanggap ng mga gumagalaw na mga larawan

4.Ang iba't ibang uri ng pagsalaysay?Maikling Kwento– ito ay uri ng panitikan na sa isang upuan maaaring matapos kaagad ang binabasa. Kakaunti ang mga tauhan at iisa ang tagpuan at may iisang paksang piang-uusapan.

Alamat– uri ng panitikan na isinasalaysay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay. Maaaring ito ay lugar, katauhan, pangalan, bagay, pangyayari at iba pa.

Anekdota– ito’y salaysay na ibinigay sa tunay na naganap sa buhay ng isang tao. Maaaring nakatutuwa o nakalulungkot.

Talambuhay– ito ay tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na maaaring siya mismo ang sumulat o ito ay sinulat ng iba para sa kanya.

Nobela– binubuo ito ng maraming tauhan at mga tagpuan at may kasalimuotan ang daloy ng mga pangyayari sa akda. Hindi ito tulad ng kwento na maaaring matapos basahin sa loob ng isang oras o isang araw.

Jornal– salaysay ng karaniwang nagaganap sa buhay, mga naobserbahan sa pali-paligid, naobserbahan sa kapwa at sa iba pa. Maikli lamang ito, paktwal at di pinapasukan ng sariling opinyon, haka-haka o kuro-kuro. Maaaring ibilang dito ang tala ng mga nangyayari sa kanyang paglalakbay,

5.Ang balita (mula sa Sanskrito:  ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa at nakikinig