Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

ano ang tinatawag na gawi o habit

Sagot :

Answer:

Ito ay nangangahulugang ating mga nakasanayan

Answer:

Ang gawi o habit ay ang bunga ng paulit ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng kilos.

Ang gawi o habit ay nagmula sa salitang Latin na habere na ang ibig sabihin ay to have o magkaroon o magtaglay. Ang gawi ay makakamit lamang kung sasamahan ng pagsisikap. Sapagkat ito ay dumadaan sa mahabang proseso at pagsisikap ng tao, hindi ito mawawala sa isang iglap lamang. Ito ay magiging isang permanenteng katangian na magtutulak sa tao na kumilos nang hindi lamang puno ng kasanayan kundi kalakip ang kasiyahan at kawilihan. Ito ang unang hakbang sa paglinang ng birtud. Ayon kay Aristotle, mahalagang malinang ang mabuting gawi upang masanay ang tao sa paggawa ng mabuting kilos.

Kapag nagkaroon na ang tao ng mabuting gawi, hindi ito magiging sapat upang malinang ang birtud. Kinakailangan na ang gawi ay sabayan ng pagpili, pag-unawa, at kaalaman. Ito ay pagkilos ng may kamalayan. Hindi sapat ang kinagawiang kilos upang maging birtud. Kailangan na ito ay pinagpasyahan at may tamang katwiran. Ito ay dapat na iayon sa pagpili at paglinang sa kakayahan na gumawa ng tamang pasya sa hinaharap. Halimbawa, ang pagiging matapat ay hindi lang dahil sa nakagawian na ngunit ito ay pinili at pagnanais na maging tapat.