IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Sagot:
1. Buddhism/Budismo (Four Noble Truths)
Ang apat na marangal na katotohanan (four noble truths) ang mga pangunahing paniniwala ng Budismo.
A. Ang unang marangal na katotohanan ay kilala bilang prinsipyo ng dukkha, na nag aangkin na ang buhay ay pagdurusa.
B. Ikalawang marangal na katotohanan ay tinatawag na anicca (panandalian) o tanha (paghahangad), na nagsasaad na walang anumang bagay sa sansinukob ang permanente at hindi nagbabago.
C. Ang ikatlong marangal na katotohanan ay nagsasaad na ang tanging paraan upang lumaya sa patuloy na pagdurusa, kamatayan at muling pagsilang ay ang ganap na pagpipigil sa paghahangad sa mga panandaliang bagay.
D. Ang ikaapat na marangal na katotohanan ay ang pagtahak sa walong landas na nag aalis ng pagnanasa. Dito matatagpuan ang plano ng Budismo sa pagtutuwid sa mga kapintasan ng sangkatauhan.
2. Islam (5 Haligi)
1.Patotoo o Pagpapahayag ng pananampalataya (Shahadah)
Ang isang nilikha ay dapat magpahayag ng patotoo na ito ng pananampalataya, na nakabuod sa dalawang patotoo:
A.Walang Diyos na karapatdapat sambahin kundi si Allah lamang.
B. Si Muhammad ay kanyang Sugo.
2. Mga Pormal na Panalangin (Salah)
Ang isa ay dapat magsagawa ng limang pang araw-araw na pagdarasal sa kanilang mga itinakdang oras. Sa pamamagitan ng pagdarasal, ang isang Muslim ay napapanatili ang kanyang relasyon sa Allah, inaalala Siya madalas, at umiiwas na makagawa ng pagkakasala.
3. Obligadong Kawanggawa (Zakah)
Ang mga may nakatago mg tiyak na halaga ng kayamanan ay dapat maglaan ng isang partikular na bahagi nito taun-taon sa mga itinalagang mga karapatdapat na tatanggap.
4. Pag-aayuno (Sawn)
Ang mga Muslim ay dapat na mag-ayuno sa loob ng isang buwan, at ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Ramadan.
5. Paglalakbay sa Landas ng Allah (Hajj)
Ang paglalakbay patungo sa Bahay ng Diyos, ang Kabah, sa Mecca ay obligado para sa bawat may kakayahang Muslim minsan sa kanilang buhay. Ang Hajj ay isang pisikal at bisual na katibayan ng kapatiran ng sangkatauhan, at ang kanilang pagkakapantay-pantay sa pagkaalipin sa harap ng Allah.
3. Taoism (Yin at Yang)
Ang Yin Yang ay isang pilosopiya at relihiyosong prinsipyo na nagpapaliwanag sa pagkakaroon ng dalawang kabaligtaran ngunit magkakaugnay na pwersa na mahalaga sa sansinukob; ang Yin, na nauugnay sa pambabae, kadiliman, pagiging passivity at lupa; at Yang, na nalilink sa panlalaki, ang ilaw, ang aktibo at ang kalangitan. Ayon sa pilosopiya na ito, ang parehong mga enerhiya ay kinakailangan upang mapanatili ang unibersal na balanse.
4. Confucianism (Golden Rule)
Ang Golden Rule ay hango sa mga turo ni Confucius na nagsasabing "DO UNTO OTHERS, WHAT YOU WANT OTHERS TO DO UNTO YOU; DO NOT DO UNTO OTHERS WHAT YOU DON'T WANT OTHERS TO DO UNTO YOU". Ibig sabihin, gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin rin nila sa iyo; samantala, huwag mo namang gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo".
5. Hinduismo (Reinkarnasyon at Karma)
Ang paniniwala sa reinkarnasyon at karma ay nangingibabaw sa bansang India. Ang paniniwala ng reinkarnasyon o muling pagkabuhay at ang karma ay laganap at pagpapahalaga sa relihiyong Hinduismo.

Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.