IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Ano ang mga pang-uring pamilang? 50 words po at hindi copy. Thanks​

Sagot :

PANG-URING PAMILANG

» Ito ay ang mga pang-uring tumutukoy sa dami o bilang ng pangngalan o panghalip ay tinatawag na pang-uring pamilang. Tatlo sa mga uri ng pang-uring pamilang ay ang patakaran, panunuran at pamahagi.

1. Patakaran

» Tinutukoy nito ang tiyak na bilang ng isang bagay.

Halimbawa:

- Limang libro ang dala ko ngayon.

- Labindalawang taong gulang na ako.

- May 40 mag-aaral sa aming klase.

2. Panunuran

» Tinutukoy nito ang ayos o pagkakasunod-sunod.

Halimbawa:

- Ako ang ikatlo sa pinakamatangkad sa aming klase.

- Ito ang unang pagkakataon kong makasakay sa eroplano.

- Ang isla Palawan ang ikalima sa pinakamalaking isla sa Pilipinas.

3. Pamahagi

» tinutukoy nito ang pagbabahagi ng isang kabuuan.

Halimbawa:

- Limampung porsiyento ng klase namin ang lalaki at ganoon din ang babae.

- Kalahating kilometro ang layo ng bahay ko sa paaralan.

- Nagtutulungan ang buong pamilya sa paglilinis ng bahay tuwing Sabado.

Sana makatulong ang aking kasagutan sa iyo!

#CarryOnLearning