IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Naglakbay si Don Juan at nakakita ito ng isang ermitanyo. Nabanggit ng prinsipe ang balak niyang hanapin ang ibong adarna para sa kanyang ama na may sakit.Dahil sa mabuting kalooban ng prinsipe ay pinayuhan ng ermitanyo kung pano niya matatagpuan ang ibon at binigyan si Don juan ng isang kutsilyo at isang lemon. Sinabi niya sa prinsipe na sa bawat awit ng ibon ay kailangan nitong maghiwa ng sarili at patakan ito ng katas ng lemon. Binigyan nya din ng isang balde ang prinsipe para kung sakaling makakita ito ng balon ay kailangan niyang kumuha ng tubig at ibuhos sa dalawa niyang kapatid para bumalik ito sa dati nilang kaanyuan. Nagpasalamat si Don Juan sa ermitanyo at nagsimula na ulit maglakbay. Umabot ng apat na buwan bago makita ng prinsipe ang ginuntuang puno. Ng magdilim ay dumapo na ang ang ibong adarna sa puno at nagsimula ng umawit. Ginawa ni Don Juan ang laht ng payo ng ermitanyo at nalampasan niya ang kaantukan. Sa huli ay naglabas muli ang ibon at nakailag dito ang prinsipe. At dahil doon ay nakuha niya ang ibon at muling nagbalik ang anyo ng kanyang mga kapatid. Nang naglalakbay ang tatlo pagbalik sa kaharian ay naisipan ni Don Pedro at Don Diego na paslangin ang kapatid at sabihin na hindi nila nakita ang kapatid na si Don Juan sa paglalakbay nila. Nang umuwi ng kaharian ang may hawak ng ibon ay ang dalawang magkapatid at itinanggi sa prinsipe na nakita ang kapatid. Nang mag gabi ay di umawit ang ibon sapagkat hindi ang dalawang prinsipe ang nakahuli sa kanya. Dahil sa bugbog ng mga kapatid kay Don Juan ay ipinalangin na lamang nito ang pag galing ng kanyang ama ngunit pinilit niyang makauwi sa palasyo. Nang mkauwi siya ay buong galak ang saya ng lahat ng tao sa kaharian maliban sa dalawa nitong kapatid. Nang hinawakan ni Don Juan ang ibon ay umawit ito at doon ay nalaman na ang tunay na nakahuli sa ibon ay si Don Juan. Sa galit ng hari sa dalawa niyang anak ay pinarusahan ito pero dahil sa busilak na puso ng kanyang bunsong anak na si Don Juan ay pinatawad niya ang dalawang kapatid na si Don Diego at Don Pedro. Inilagaan ng hari at itinuring na parang tao ang ibong adarna sa palasyo. Pinaggawa niya ito ng isang magandang tirahan at pinapabantayan kada 3 oras sa mga tao sa palasyo.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.