IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
Pagiging katulad ni Cristo
Ang paanyayang sundin si Jesus ay isang paanyayang tularan ang Kanyang halimbawa at maging katulad Niya. Matuto tungkol sa Kanya at hangaring isama ang Kanyang mga katangian sa inyong buhay. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang biyaya, maaari kayong maging mas mabuti at mas katulad ni Cristo.
Pananampalataya
Kapag sumampalataya kayo kay Cristo, naniniwala kayo sa Kanya bilang Anak ng Diyos, ang Bugtong na Anak ng Ama sa laman. Tinatanggap ninyo Siya bilang inyong Tagapagligtas at Manunubos at sinusunod ang Kanyang mga turo. Naniniwala ka na mapapatawad ang inyong mga kasalanan dahil sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Ang ibig sabihin ng pananampalataya sa Kanya ay magtiwala kayo sa Kanya at tiwala kayo na mahal Niya kayo.
Ang pananampalataya ay alituntunin ng kapangyarihan. Ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng kapangyarihan, ngunit ang Kanyang kapangyarihan ay karaniwang ginagamit bilang tugon sa pananampalataya. Siya ay gumagawa ayon sa pananampalataya ng Kanyang mga anak. Ang pag-aalinlangan at takot ay kabaligtaran ng pananampalataya. Lumalago ang inyong pananampalataya kay Jesucristo kapag mas kilala ninyo Siya at ang Kanyang mga turo. Habang pinagsasaliksik ninyo ang mga banal na kasulatan, nalaman ninyo ang Kanyang mga paraan, pagmamahal sa lahat ng tao, at sa Kanyang mga kautusan
Explanation:
Translate mo nalang kaya yan
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!