Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

A. Lagyan ng salungguhit ang pandiwa sa bawat pangungusap. Ilagay ang P kung natapos o naganap na ang kilos at DP kung ang kilos ay kasalukuyan pang nagaganap. Gawin sa sagutang papel.

1. Kahapon nagtaas ng kamay ang aking kapatid na si Lester.

2. Pumalakpak ang mga guro at mag-aaral pagkatapos ng palabas.

3. Nagtatakip ng tainga si Tina dahil sa malakas na tunog.

4. Noong isang Linggo naglakbay ang aming koro.

5. Nagluto kami ng aming pagkain kaninang umaga.


Sagot :

PANDIWA

Panuto: Lagyan ng salungguhit ang pandiwa sa bawat pangungusap. Ilagay ang P kung natapos o naganap na ang kilos at DP kung ang kilos ay kasalukuyan pang nagaganap. Gawin sa sagutang papel.

P 1. Kahapon nagtaas ng kamay ang aking kapatid na si Lester.

  • Paliwanag: Ayon sa pangungusap, ang pandiwang nasa salungguhit ay naganap na. Dahil kung mapapansin natin, nakasaad rito ang salitang 'kahapon' hudyat na naganap na ang pandiwa o kilos.

P 2. Pumalakpak ang mga guro at mag-aaral pagkatapos ng palabas.

  • Paliwanag: Ayon sa pangungusap, ang pandiwang nasa salungguhit ay naganap na. Dahil kung mapapansin natin, nakasaad rito ang salitang 'pagkatapos' hudyat na naganap na ang pandiwa o kilos.

DP 3. Nagtatakip ng tainga si Tina dahil sa malakas na tunog.

  • Paliwanag: Ang pandiwang nasa salungguhit ay kasalukuyan pang nagaganap dahil ginagawa pa lamang ang kilos.

P 4. Noong isang Linggo naglakbay ang aming koro.

  • Paliwanag: Ayon sa pangungusap, ang pandiwang nasa salungguhit ay naganap na. Dahil kung mapapansin natin, nakasaad rito ang salitang 'noong isang linggo' hudyat na naganap na ang pandiwa o kilos.

P 5. Nagluto kami ng aming pagkain kaninang umaga.

  • Paliwanag: Ayon sa pangungusap, ang pandiwang nasa salungguhit ay naganap na. Dahil kung mapapansin natin, nakasaad rito ang salitang 'kaninang umaga' hudyat na naganap na ang pandiwa o kilos.

Answer:

P 1. Kahapon nagtaas ng kamay ang aking kapatid na si Lester.

P 2. Pumalakpak ang mga guro at mag-aaral pagkatapos ng palabas.

Explanation:

DP 3. Nagtatakip ng tainga si Tina dahil sa malakas na tunog.

P 4. Noong isang Linggo naglakbay ang aming koro.

P 5. Nagluto kami ng aming pagkain kaninang umaga