Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Sa paanong paraan mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran para sa iyong kinabukasan?
____________________________________________________________________________________________.​


Sagot :

Answer:

Malaki man o sa maliit na pamamaraan, tayo’y makakatulong upang pahalagahan at mas ingatan ang kapaligiran. Huwag magtapon ng basura sa kahit anong anyong tubig o lupa, panatilihing malinis ang bakuran, magtapon sa tamang basurahan, magwalis kung kinakailangan, magsegregate o magrecycle, magtanim ng mga halaman at puno, suwayin ang mga pasaway na nagtatapon sa kung saan, magsilbing isang magandang ehemplo sa karamihan. Kondenahin ang paggamit ng ilegal na pangingisda at pamumutol ng kahoy

PAGPAPAHALAGA

Katanungan:

๑ Sa paanong paraan mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran para sa iyong kinabukasan?

Kasagutan:

Pahahalagahan ko ang aking kapaligiran para sa aking kinabukasan sa pamamagitan ng pagiging responsable at pagkilos o paggawa ng base sa tamang pangangalaga rito. Iingatan ko ang mga likas na yaman at sisikaping huwag gumawa ng ano mang makakasira sa mga ito.

Bilang isang responsableng mamamayan, pangangalagaan ko ang aking kapaligiran sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Una: Magiging responsable ako sa tamang paggamit ng ating mga likas na yaman. Mahalaga ang pagsasakatuparan nito upang maiwasan natin ang mga hindi magandang epekto na maaaring maging bunga ng kapaligiran tulad ng kalamidad dahil sa mali o hindi wastong pangangalaga natin dito.

  • Ikalawa: Susundin ko ang mga patakarang may kinalaman sa kapaligiran tulad ng pagtapon ng basura sa tamang basurahan o tapunan, ganoon din ang huwag pagpuputol ng puno.

  • Ikatlo: Makikilahok o sasali ako sa mga aktibidad na makakatulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran tulad ng paglilinis, pagtanim ng mga halaman at puno at iba pa. At,

  • Panghuli: Hihikayatin ko ang mga kabataan at ang aking mga kaibigan na makiisa at maging responsable sa pagpapahalaga ng ating ating mga pinagkukunang likas na yaman.