Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
Pag-aasawa.. Ayon sa kasabihan ng mga matatanda “ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay puwede mong iluwa.” Ito ay isa sa mga napakahalagang yugto sa buhay ng isang lalake at babae na dapat ay pinag-iisipang mabuti at pinaghahandaan bago pasukin. Maraming tao ang nagtatagumpay sa buhay may asawa at marami din naman ang nabibigo at may wasak na tahanan. Kapag pumasok ka sa buhay may asawa maraming bagay ang mababago sa’yo, maraming bagay ang dapat mo ng talikuran, kalimutan, at iwanan. Sa kabila ng katotohanang ito, marami pa rin ang nag-aasawa ng wala sa panahon, ang akala ng ilan, pag-aasawa ang sagot sa kanilang mga problema, akala nila ganoon lamang kadali ang buhay na ito. Marahil, masasabi lamang natin na nagging matagumpay ang buhay may asawa kapag ikaw ay nakatagpo ng taong makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, taong magiging tapat sa’yo sa lahat ng bagay, magmamahal sa’yo habang buhay. Kapag pumasok ang isang tao sa pag-aasawa dapat ay handa na s’yang talikuran ang nakaraan, ang buhay ng pagiging binata’t dalaga, handang tanggapin at harapin ang mga bagay na posibleng mangyari, at handa sa mga pagsubok na darating sa pagpasok sa panibagong yugto ng buhay. Taglay niya ang kahandaang tumayo upang maging mabuting magulang at gabay sa paghubog sa pagiging buo at ganap na tao ng magiging mga anak nila. Kung ihahambing sa libro, kapag pumasok ka sa buhay may asawa, tapos na ang unang yugto at pumapasok na ka na sa ikalawang yugto ng iyong buhay. Nararapat lamang na handa ka ng ibigay ang iyong buong panahon at buhay sa iyong pinili na makasama habang buhay
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.