IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
TALAMBUHAY
Answer:
21. Uri ng talambuhay na ang manunulat mismo ang nagsusulat ng tungkol sa kanyang sariling buhay. - Talambuhay na Pansarili
22. Ito naman ay uri ng talambuhay kung iba ang magsusulat ng tungkol sa buhay ng ibang tao. - Talambuhay na Pang Iba
23. Isang liham na humihingi ng pahintulot na gawin a gamitin ang isang bagay o lugar. - Liham na Pahintulot
24. Bahagi ng liham kung saan matatagpuan ang datos ng sumulat kagaya ng tirahan o lugar at petsa ng pagsulat. - Pamuhatan
25. Ito naman ay bahagi kung saan isinasaad ang mensahe o layunin sa pagsulat ng liham. - Katawan ng Liham o Nilalaman
Explanation:
Ang mga bahagi ng liham ay ang mga sumusunod:
1. Pamuhatan - ito ang address ng sumulat at ang petsa kung kailan sinulat ang liham.
Halimbawa: 24-C Kalye Halcon
Barangay Barangka
Lungsod ng Mandaluyong
Ika-24 ng Oktubre, 2014
2. Patutunguhan - ito ang pangalan, katungkulan, at address ng sinulatan.
Halimbawa: Gng. Pacita Peralta
Kagawad
Barangay Barangka,
Lungsod ng Mandaluyong
3. Bating Panimula/Bating Pambungad - ito ang pagbati sa sinusulatan.
Halimbawa: Mahal na Gng. Peralta:
Ginagalang na Dr. Santos:
4. Nilalaman - ito ang mensaheng nais iparating ng sumulat; mahalagang gumamit ng magalang at malinaw na pananalita sa bahaging ito.
5. Bating Pangwakas - Ito ang pagpapasalamat at pagpapaalam ng sumulat.
Halimbawa: Lubos na gumagalang,
Sumasainyo,
Ang inyong lingkod,
6. Lagda - Ito ang pangalan o lagda ng sumulat.
Halimbawa: Diana Quezon
Pacita Peralta
#CarryOnLearning
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.