IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.
Nagsisikap ka kung may motibasyon ka dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at nagagabayan ka ng mga halaga (values) na Dito nakapaloob ang mga kaalamang mula sa pananaliksik (research) o expert systems of knowledge.
MGA HILIG
May kakaiba ka bang saya o sigla kapag nagsusulat ka ng iyong mga pananaw, opinyon o pagninilay? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong
mga naisulat? Sa iyong libreng oras, pipiliin mo bang magbasa at maghanap sa internet o mga aklat ng mga magagandang ideya na gagamitin mo sa isang sanaysay o tula? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig mo ang pagsusulat.
makatutulong sa iyong pag-unlad. (Santamaria, 2006)
Sa kabilang dako, kung ang trabaho o gawain mo ay di ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay nababagot. Iiwasan mo ang gawaing di mo
gustong gawin o ipinagpapaliban mo ang mga ito. Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng isang kagamitang pinatatakbong koryente (tuladng coffee maker o juicer), ngunit ayaw mong subukang gamitin ito, patunay ito na hindi mo hilig ang pagbubutingting (tinker) ng mga bagay.
Ang ibang hilig ay natututuhan sa mga karanasan, ang iba ay minamana, at ang iba naman ay galing sa ating mga halaga at kakayahan. Halimbawa, hilig mo ang pagsusulat dahil mahilig kang magbasa mula pa sa iyong pagkabata, isa kang staff member sa inyong pampaaralang pahayagan at may tiwala ka sa iyong sarili sa mga gawaing pagsusulat sa paaralan.
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gaw ain. Ang taong nasisiyahang gaw in ang isang
gawain ay nagsisikap na matapos ito at mayroong pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili.
Isa pa, nakatutulong ang mga hilig, kasama ng aptitude at potensyal at pangkalahatang talino (general intelligence), tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng mga kasanayan (skills). Ang mga hilig ay batayan din ng iyong mga kasanayan, kakayahan at
kadalubhasaan (proficiencies). Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
May dalaw ang aspeto ng hilig: ang larangan ng hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon (Abiva, 1993). May sampung larangan naman ito: outdoor, mechanical, computational, scientific, persuasive, artistic, literary, musical, social service, at clerical. Ang tuon ng atensyon ay ang preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain – sa tao, data, bagay o ideya
Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at may higit na isang tuon. Halimbawa, ang
pagcomposengawitayindikasyonnghiligsamusika(musical)atpagsusulat(literary). Itoaymaytatlongtuon–tao(pag-awitopagpapakinigng
nilikhang awit sa kaibigan), data (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya (paggamit ng estratehiya kung paano maipalalaganapang mensahengawit).
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.