IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Sa mga sinaunang sibilisasyon ng daigdig:
Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat!
Ako ay isang tao na naninirahan sa hinaharap, at labis akong nagpapasalamat sa inyong lahat dahil sa mga naging ambag ninyo upang maabot ng mga tao ang patuloy na pag-unland ng kaalaman tungkol sa pagbabago ng teknolohiya. Dahil sa inyong naging mga ambag, maraming buhay ang nabago sa daigdig.
Ang pagkakadiskubre ng agrikultura ng mga sinaunang tao sa Mesopo tamia ang nagtulak sa buong mundo upang magtayo ng mga matatayog na lungsod. Ito rin ang naging daan upang magsimula ang kalakaran. Dahil din sa mga taga Mesopo tamia, nauso ang pagsusulat at ang paggamit ng mga gulong. Utang naman naming sa mga taga Ehipto ang kaalaman tungkol sa irigasyon at pagtatanim ng mga makakain sa hardin.
Dahil naman sa mga Indus, maayos ang naging itsura ng mga lungsod sa daigdig ngayon dahil sa malawakang pagpaplano. Ang mga imbensyon naman mg mga Tsino kagaya ng papel, paglilimbag, pulbura, at compass ay naging mahalaga sa mga pagbabago sa daigdig. Ang mga kalendaryo at kaalaman ng mga Mesoamerican tungkol sa kalawakan ay naging sandigan din ng mga tao sa kasalukuyan upang pag-aralan ang buong kalawakan.
Maraming maraming salamat sa lahat ng inyong mga ambag.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.