Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Answer:
Inaabangan ko doon sa kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga ala-ala ng halik mo't yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap.
Ang nagdaang samyo ng iyong paglingap.
Ginugunam-gunam, sinasaklit anyo
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa't dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
Sa pagaagawan ng araw at buwan,
At sa pagkapanalo nitong kadiliman,
Ay nakikibaka ng kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
Explanation:
Ito'y may 16 na taludtod sna makatulong