IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

3.
Mahalaga ang mga trekking shoes sa gagawing pamamasyal sa Sagada. Sa gagawin mong pagtaas at
pagbaba sa mga lalakarin, masusubok ang iyong lakas at tibay lalo na't kung sanay ka sa lungsod na kahit malapit
lang ang destinasyon ay sasakay ka pa. Sa Sagada, mahaharap ka sa paglalakad. Kapag bibili ka sa tindahan,
lalakarin mo ito pababa, kung maghahanap ka ng makakainan, pupuntahan mo ito pababa sa pamamagitan pa rin
ng paglalakad. Upang masulit mo ang malinis at sariwang hangin lalakarin mo ang pataas-pababang mga kalsada.
Kung nais mo ring pumitas ng sariwang mga dalandan, sa bukana lamang ng iyong sasakyan at maglalakad ka ulit.
Sa mga pakikipagsapalaran sa mga kuweba gaya ng Lumiang Cave, ibayong tibay at lakas ng mga binti at paa ang
kailangan mo sa paglalakad. Napakaesensiyal ng paglalakad sa buhay ng tao. Nagpapalusog ito ng
pangangatawan.