IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

ano ang pamahalaan ng mga sinaunang pilipino at ano ang pamahalaan kolonyal give 3 plss

Sagot :

PAMAHALAAN NG MGA SINAUNANG PILIPINO AT ANG PAMAHALAANG KOLONYAL

Answer:

Pamahalaan ng Sinaunang Pilipino

  • Barangay - Ang pamahaalang barangay ay isang pamahalaan ng sinaunang mga Pilipino na laganap sa malalaking isla ng Luzon at kalat-kalat na isla ng Visayas. Ito ay isang yunit na pampolitika at panlipunan. Ang bawat komunidad ay isang barangay. Ito ay pinamumunuan ng Datu. Siya ang itinuturing na pinakamatapang, pinakamalakas at pinakamayamang lalaki sa barangay.
  • Sultanato - Ito ay isang sistemang pamahalaan na ibinatay sa relihiyong Islam noong unang panahon. Ang mga namumuno ay tinatawag na Sultan. Ang batayan ng kanyang nasasakupan ay kung hanggang saan aabot ang tunog ng tambol mula sa kanyang tirahan. Ang isang sultan ay mayaman, maraming tagasunod, maraming ambag tungkol sa pagpapahalaga ng relihiyong Islam. Sila din ay matatapang sa pakikidigma.

Pamahalaang Kolonyal

  • Isa sa mga halimbawa ng pamahalaang Kolonyal ay ang Spain na nagtatag ng isang sentralisadong kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan na namamahala sa mga lalawigan, lungsod, bayan at munisipalidad. Sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, napanatili nito ang kapayapaan at kaayusan. Ang mga buwis ay kinolekta at nagtayo ng mga paaralan at iba pang gawaing pampubliko.

PAMAHALAAN NG MGA SINAUNANG PILIPINO AT ANG PAMAHALAANG KOLONYAL

brainly.ph/question/24853270

#LETSSTUDY