Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Answer:
"Tamang Pinuno" - title
Maayos? magaling? matalino? ngunit corrupt? magnanakaw? sa una lang? Ito ang isyu na kinakaharap natin sa Pilipinas sa ngayon. Sa totoo lamang, matagal na itong issue sa atin. Ang pagiging corrupt ng mga gobyerno. Hindi na lamang natin alam kung ano ang mangyayari satin sa susunod na mga taon o kaya sa susunod na mga pinuno ang mamumuno sa bansang Pilipinas. Itong bansa naba ito ay uunlad? mananatiling ganito? hihirap? Kaya sa ngayon, kailangan nating isipin kung sino nga ba ang tama at karapat dapat na maging pinuno. Halina't makinig dito.
Unang una sa lahat, maraming sakuna na ang nangyari sa bansa na ito lalo na sa kasalukuyan ang Bagyong Odette at ang COVID-19 parin. Bilang isang pinuno, ano ang dapat kailangang gawin? Manatili lang bang umupo sa upuan? Kailangan tumulong kahit sa simpleng bigay lamang na mga gamit. Bilang isang pinuno rin, siya ang pwedeng maging dahilan na pwedeng umunlad ang Pilipinas. Mag tulong tulong na ang lahat hindi basta ang mga mamamayan kundi ang lahat.
Ang isang Pinuno ay may kakayahan na bumuo ng moral, itupad ang mga pangako na naisabi, pagbibigay ng patnubay sa mga mamamayan at ang magsisimula ng hakbang para sa pagbabago. Ayan ang dapat natin alamin kung ang mga binoboto ba natin ay karapat dapat ba. Ang dugtong ko pa nito ay kailangang maaasahan natin siya sa mga gawain pagdating sa mga ibang bansa. Ang pakikipagkalakalan, pagtatanggap ng mga gamit sa ibang bansa at mga iba pa. Kung tayo ay nagiisip para sa desisyon natin, dapat siya rin. Ang Pinuno ay kailangang isipin ang kaniyang desisyon sa mga naiigagawa niya. Sa pamamagitan nito, magkakaroon nito ang pagpatuloy tuloy na paguunlad.
Sa huli, tiwala. Ito ba ay katiwa-tiwala? Ito ba ay magbabago ng Pilipinas? Isa ba siyang responsable na Pinuno? Kailangan nating alamin ang mga impormasyon ng isang Pinuno. Ito ba ay may kaalaman sa politiko? O ito ba ay tumakbo para abusuhin ang posisyon? Hindi natin alam kung ano ang plano ng isang Pinuno.
Kaya't mga kababayan, tayo ay mag isip ng mabuti kung ito ba ay isang "Tamang Pinuno" o isa lamang siyang tao na gusto abusuhin ang posisyon. Habang tumatagal, isa lang ang mangyayari sa Pilipinas. Uunlad, mananatili o mahihirapan. Sa Pinuno na ito nakasalalay.
Explanation:
advance-Thank you for the point
Pa brainliest po. Thank you
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.