IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Tagapagdala ng Kapayapaan
Ako’y tagapagdala ng kapayapaan
Sa lahat ng aking pinupuntahan,
Pagtulong sa kapuwa’y di nag-aalinlangan
Magbigay katarungan sadyang kailangan.
Paggalang sa lahat ay aking ginagawa
Pagiging bukas-loob at matapat sa kapuwa,
Ating gawin at dalhin mga kasama
Misyong bigay ng Diyos ating isagawa
Ang kapayapaan ay handog sa bawat isa.
–Elie Wiesel
Ang kapayapaan ay nakaugat o nagmumula sa komunidad na kumikilala sa
karapatan ng bawat isa, may tapat na pagsasamahan, pagpapatawaran at
paggalang sa dangal ng isa’t isa. Ito ay ang pagkakaisa na makatutulong upang
ang lahat ng gawain ay maisakatuparan.
Ayon kay San Agustin ng Hippo, “Ang Kapayapaan ay bunga ng pag-ibig
na higit pa sa itinataguyod ng katarungan.” Kung gayon, ang kapayapaan ay
nararapat na naghahari sa ating personal na buhay, sa ating tahanan at sa ating
komunidad.
Ang tagapagdala ng kapayapaan ay nagsisikap na makiisa at makipagkasundo
sa Diyos, sa lahat ng tao, sa kapaligiran, at sa kaniyang sarili. Sa ating pang arawaraw na buhay, ay nagiging tagapagdala tayo ng kapayapaan sa tuwing itinuturing
nating kapantay ang bawat isa at hinahangad natin ang kaligayahan ng lahat
gayondin ang kanilang kalusugan at kabutihan. Kung iginagalang natin ang lahat
at wala tayong sinasaktan, nakatitiyak tayo na ang kapayapaan ay mananatili
at mapapasaatin.
Ang tagapamayapa ay kumikilala, gumagalang, nagtataguyod, at
nagtatanggol sa karapatan ng lahat ng tao. Ang malasakit at paggalang sa
karapatan ng bawat isa ay nakatutulong upang mapahalagahan ang ating
dangal. Inaasam natin na makaranas ng maganda at masayang buhay sa halip
na mamuhay nang maligalig at puno ng suliranin.
Sikapin natin na maging tagapagdala ng kapayapaan saanman tayo
magtungo. Palagi nating alalahanin ang sinasabi ng Beatitude, “Mapapalad
ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga
anak ng Dios
Pag-ibig na Ipinadarama sa Gawa
Maraming tao ang namamatay na lang sa daan. Maraming bata ang natutulog sa gilid ng kalye.
Nalulungkot at nahahabag si Teresa sa kanila.
Nagsikap siyang mabuti upang matulungan
ang mga mahihirap at nagdurusang mga
tao. Humingi siya ng tulong sa lahat ng tao
sa Mundo. Sa pamamagitan ng kaniyang
magandang halimbawa, maraming tao ang
nagsimulang kumalinga sa mga nangangailangan,
nag-alaga sa mga maysakit at sa mga
malapit nang mamatay. Dahil sa kaniyang
magandang ginawa ay minahal at pinarangalan
ng mga tao si Teresa. Sinabi niya: “Minamahal
kayo ng Dios sa isang napakaespesyal na
paraan. Mahalin ninyo ang iba tulad ng
pagmamahal ng Dios sa inyo.”
Ang kakayahang kumalinga sa iba, ang sa aking pakiramdam ay nagbibigay
ng pinakamagandang kahulugan sa buhay.
–Pablo Casals
Ang ating kakayahang magbigay o magbahagi sa mga taong nangangailangan
ay pagpapakita ng pagkalinga. Ano ba ang ibig sabihin ng pagkalinga? Ito ay
kakayahang maging mabuti sa kapuwa, unawain ang kanilang mga karanasan,
damdamin, at pagdurusa sa pamamagitan ng paglagay ng sarili sa kanilang sitwasyon.
Ito ay pagiging magiliw, mabuti, pagpapadama ng magandang kalooban, at tunay
na pagtulong sa kapuwa.
Ang pagiging mahabagin at mapagkalinga ay pakikiramay sa nararamdamang
paghihirap ng iba. Ang matinding pagnanasa na mapabuti ang katayuan ng mga
nagdurusa ang pangunahing layon ng taong mahabagin. Ito ay higit pa sa awa. Ito
ay pakikiisa at pagdama natin sa kanilang kalagayan at paghihirap sa buhay. Ito
ang damdamin na nagtutulak sa atin upang kumilos nang mapagaan ang kanilang
paghihirap na dinaranas.
Tulad ni Teresa, na lubhang maawain at mapagkalinga sa mga tinatawag na
pinakaaba at pinakamahirap, tayo man ay hinahamon na huwag lamang malungkot
at maawa sa kalagayan ng mga taong nagdurusa. Kumilos tayo upang mapagaan
ang pagdurusang dinaranas ng mga taong ito.
Ang taong mahabagin at mapagkalinga ay may malasakit sa mga taong
nagdurusa. Sinisikap niya na palaging makatulong sa mga nangangailangan sa
abot ng kaniyang makakayanan.
Ang pagbibigay o pamamahagi ng mahahalagang bagay na iyong pagaari upang makatulong sa kapuwa ay tanda ng pagmamalasakit sa kapuwa.
Naipakikita natin na tayo ay may paglingap at malasakit sa mga taong
nangangailangan ng tulong. Kailangan din natin na maging mapagpasensiya
at mapagbigay kahit sa mga taong sa palagay natin ay naiiba sa atin. Ang
malasakit ay nagtutulak o nagtuturo sa atin na maging mapagkalinga upang
magkaroon ng magandang relasyon sa ibang tao. Natututo tayong magpakita
ng pagtanggap, mahusay na pakikisama at pagtingin sa kapuwa. Higit sa
lahat ay nakauunawa at nagmamalasakit tayo sa mga nangangailangan.
Makatutulong tayo sa ating bansa kung saan marami sa ating kapuwa Pilipino
ay naghihirap at nagdurusa. Halina, maging magandang halimbawa tayo at
maging larawan ng pagmamahal at pag-aaruga para sa mga taong higit na
nangangailangan.
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.