Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng pagpasok ng mga banyagang produkto at serbisyo sa ating bansa lalo n sa mga lokal at maliliit na negosyanteng Pilipino?​

Sagot :

PAANO KAYA MATUTUGUNAN ANG MGA SULIRANING KAAKIBAT NG PAGPASOK NG MGA BANYAGANG PRODUKTO AT SERBISYO SA ATING BANSA LALO NA SA MGA LOKAL AT MALILIIT NA NEGOSYANTENG PILIPINO?

Ang solusyon sa mga suliraning kaakibat ng pagpasok ng mga banyagang produkto at serbisyo sa ating bansa lalo't higit sa mga lokal at maliliit na negosyanteng Pilipino ay ang proteksiyonismo.

Ang proteksiyonismo ay isang patakaran sa ating ekonomiya na naglalayon na higpitan ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng paglagay ng taripa sa mga naiangkat na produkto, mga quota sa mga iaangkat, at iba pang regulasyon sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng proteksiyonismo, mabibigyang proteksyon ang mga lokal na produkto sa pakikipagkompitensya sa mga banyagang produkto. Maliban dito, nararapat din na makipagtulungan ang mga mamamayan sa patuloy na pagsuporta sa mga lokal na produkto at serbisyo upang ating mailigtas sa pagkalugi ang mga Pilipinong negosyante. Tangkilikin ang sariling atin upang ating ekonomiya ay umunlad.

Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng pagpasok ng mga banyagang produkto at serbisyo sa ating bansa lalo na sa mga lokal at maliliit na negosyanteng Pilipino?​

brainly.ph/question/24437265

#LETSSTUDY