Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.


Panuto: Sa nakaraang buwan (Disyembre 2021), hinagupit ng malakas na bagyo ang halos buong
kabisayaan. Bilang mag-aaral, paano kaya maipapakita ang tinatawag na katarungang panlipunan.
Mag bigay ng limang halimbawa:​


Sagot :

Answer: Bilang isang mag-aaral, maaari akong tumulong sa pamamagitan ng:

  • Manood ng balita, makinig sa radyo o magbasa ng mga news article upang malaman ang kalagayan ng mga nasalanta at ang lugar nito.
  • Ipaalam sa pamilya/kaibigan/kamag-anak upang magtulong-tulong na magtipon at mag-ayos ng donasyon.
  • Magpadala ng mga donasyon na kayang ibigay sa mga boluntaryong organisasyon o nonprofit na organisasyon.
  • Alamin ang buong pangyayari at gumawa ng maikling post online na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa bagyo at sa mga nasalanta nito para sa mga hindi nakakaalam.
  • Hikayatin ang mga netizen na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo sa kahit papaanong paraan.

Bonus (kung posible lang naman):

  • Kung may oras o posibilidad, kamustahin ang kalagayan ng mga nasalanta at alamin kung ano ang maaaring gawin upang mas makatulong pa.

(hope it helps)