IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

1.Sa pagsapit ng 100 BCE ay tuluyang napasakamay ng Rome ang Mediterranean Sea na kanilang pinangalanang “Mare Nostrum” o ___________? *
a.“Aming Dagat”
b.“Banal na Dagat”
c.“Dagat ng mga Roman”
d.”Aking Dagat”

2.Ito isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095.Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. *

a.Piyudalismo
b.Kabalyero
c.Krusada
d.Serf

3.Ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal ng 27 taon at isang malaking trahedya para sa Greece. *

a.Digmaang Graeco-Romano
b.Digmaang Pandaigdig
c.Digmaang Peloponnesian
d.Digmaang Sibil

4.Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia? *

a.maliliit na isla
b.malalaking isla
c.isla ng mga itim na balat
d.mabunga na isla

5.Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy? *

a.Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng simbahang Katoliko.
b.Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
c.Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
d.Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval.