Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.


ARALIN 1 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG ALAMAT SA VISAYAS

1. Anong uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig?

a. alamat
b. dula
c.tula
d. maikling kuwento

2. Ang paghihinuha ay_______

a. paglalahad ng mga pangyayari sa kuwento
b. pagsusuri ng mga teksto
C. pagpapaliwanag o pagbibigay-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig at ng
sariling kaalaman
d. pagtukoy sa mga di-pamilyar na mga salita
ng mga

3. Sinasabing ang mga Ita at Negrito ay may sariling alamat at pinapalaganap nila
ito sa pamamagitan ng

a. pagsulat sa mga dahon at puno
c. pagsasalita sa mikropono
b. pasaling-dila o lipat-dila
d. pakikinig sa radyo

4. Karamihan sa mga lugar sa Visayas ay nagkaroon ng pangalan batay sa alamat
noong panahon ng mga Espanyol. Ano ang dating pangalan ng Negros?

a. Baysay
b. Argao
c. Bungangsakit
d. Buglas

5. Sa Alamat ni Maria Cacao, ano ang iyong mahihinuha sa paniniwala ng mga
Bisaya tungkol sa mga babaeng bathala o diwata tulad ni Maria Cacao?

a. Siguro naniniwala sila na ililigtas sila ng diwata mula sa mga kalaban
b. Tila naniniwala sila sa mga babaeng bathala o diwata na nananahan at
nakapagbibigay ng kariwasaan sa nasasakupan.
c. Marahil naniniwala sila na mabibigyan sila ng gabay sa paglalakbay sa
kagubatan
d. Baka naniniwala sila sa pagkakaligtas nila mula sa mga halimaw.