Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

41. Nagkaroon ng isang malubhang karamdaman si Gel. Araw-araw ay binibisita siya ng kaniyang mga kaibigan at mga kamag-aral upang mapasaya nila siya. Anong katangian ang ipinakita ng mga kaibigan at kamag-aral ni Gel?
A. mapagbigay
B. mapagmalasakit
C. masunurin
D. maunawai

42. Ano ang maaring gawin ni Carlo upang maipakita ang kaniyang pagkamahabagin sa isang kamag-aral na nahihirapang lumakad dahil bukod sa nakasaklay ito ay marami pa siyang bitbit na libro?
A. magkunwaring hindi ito
B. tawagin ang janitor para tumulong
C. tingnan kung kaya niya ang mga dalahin
D. magboluntaryo na bitbitin ang kaniyang libro

43. Bagong lipat sa isang paaralan si Jaime. Nagmula siya sa ibang bansa kaya nahihirapan siyang makisalamuha sa kanilang mga kamag-aral. Anong klaseng tulong ang maaari mong gawin?
A.Pahiramin siya ng aklat na maaari niyang basahin.
B.Kausapin ang inyong guro para ipakilala siya sa bawat isa.
C.Ayain mo siya na makipagkwentuhan sa iba ninyo pang kamag-aral
D.Ituro sa kaniya ang iba’t ibang pasilidad sa inyong paaralan na maaari niyang puntahan.

44. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa inyong mga kaibigan. Minsan, kapag nag-uusap kayo, napapansin mo na magkakaiba ang inyong mga pananaw. Ano ang maari mong gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Pilitin na lang na ibahin ang paksa ng inyong usapan.
B. Unawain ang mga sinasabi nilang kaiba sa iyong relihiyon
C. Huwag na lang intindihin ang kanilang sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon
D. Pakinggan na lamang ang kanilang mga sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon

45. Alin sa sumusunod ang maituturing na pinakamabuting katangian ng isang kaibigan?
A. Madalas na sumasama sa iyo
B. Nakikinig sa mga kuwento mo
C. May positibong impluwensiya sa iyo
D. Ipinagtatanggol ka sa iyong mga kaaway

46. Sa pagbabasa mo tungkol sa mga napapanahong isyu, may nabasa kang bagong salita na hindi mo naintindihan. Ano ang gagawin mo para malaman ang kahulugang salita at mapaunlad ang iyong kaalaman?
A. Ipagsasawalang bahala
B. Tatawagan ang iyong kamag-aral
C. Hahanapin sa diksiyonaryo ang kahulugan nito.
D. Hihintayin ang mga magulang para magtanong.

47. Paano maipapakita ang mapanagutang paggamit ng media at teknolohiya?
A. Pagpapaliban ng paggawa ng takdang aralin upang makagamit ng computer
B. Pagbili palagi ng bagong modelo ng cellphone
C. Pagpili ng mga bubuksang website ayon sa kagustuhan
D. Paglimita sa sarili ng panahon na igugugol sa paggamit ng social network account

48. Araw ng pagsusulit, hindi nakapag-aral si Liza dahil nawili siyang manood ng bagong pelikula. Nakita mong kumopya siya ng mga sagot sa kaniyang kwaderno. Matalik kayong magkaibigan ni Liza. Nais mo siyang isumbong sa inyong guro subalit nangangamba kang baka siya ay mawala sa honor roll. Isusumbong mo pa rin ba siya sa inyong guro sa kabila ng pagiging magkaibigan ninyo? Bakit?
A. Hindi, dahil ayoko kong magalit siya sa akin at mawalan ako ng kaibigan
B. Hindi, dahil gusto ko siyang makakuha na malaking marka
C. Oo, para kasiyahan ako ng aming guro
D. Oo, dahil ayokong mapasama ang aking kaibigan at magabayan siya ng aking guro kung ano ang tama.

49. Inatasan kayo ng inyong guro sa Filipino na sumulat ng sarili ninyong tula bilang inyong takdang-aralin ngunit meron ka nalang konting oras para gigugol dito dahil pinagbantay ka pa ng iyong ina ng nakababata mong kapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Kumuha lamang sa internet ng mga tula na kailangan para hindi na mapagod sa paggawa
B. Lumaban na lamang sa klase kinabukasan
C. Sikapin makasulat ng sarili mong tula na maipagmamalaki mo sa iyong guro at kaklase.
D. Umiyak na lamang sa harap ng mga kaklase at guro

50. Oras ng panonood mo ng paborito mong palabas ngunit inutusan ka ng nanay mo na bumil muna sandali sa tindahan. Ano ang gagawin mo? *
A. Utusan ang iyong nakakabatang kapatid.
B. Huwag sundin ang inuutos ni nanay.
C. Magdadabog habang sinusunod ang kanyang utos.
D. Gawin ng masaya ang kanyang inuutos.