Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Answer:
ExplanationNagiging pantay-pantay ang tao sa pangmalas o paningin ng ating Diyos. Siya ang maylikha sa atin kung saan ginawa niya tayo ng walang pagtatangi ang pagtrato niya. Anuman ang ating lahi, kulutura, antas o kalagayan sa buhay, pantay parin ang pagtingin ng ating Diyos sa mga tao. At lahat ng kagustuhan ng Diyos na naisin niya ay para sa mga tao na maituturing pangkalahatan na walang maiiwan o mapapaiba.
Makikita natin na napakabuti ng ating Diyos sa mga tao kung saan hindi niya hangad ang pagtatangi at ayaw niya nito. Lahat tayo ay may kalayaan magpasiya o magdesisyon, may karapatan, may kaisipan na nakakaunaw ng mga bagay-bagay. Ganoon na lamang tayo kamahal ng ating Ama sa langit na may pagtrato ng pagkapantay-pantay.
Pero minsan baka maisip natin na kung ang Diyos ay hindi nagtatangi bakit iba-iba ang buhay ng tao? Makikita natin ito sa mga estado ng pamumuhay ng isa maaaring pinanganak na siyang mayaman o kaya naman mahirap. O kaya ang isa ay nakamulatan ang kahirapan ng buhay na maaaring iisipin na wala ng pag-asa pa. Ang mga sitwasyon na ito ay hindi nakadepende sa Diyos sapagkat nasa tao lahat nakabatay ang buhay ng isa.
Anu-ano pa ang ilan sa mga bagay o sitwasyon na maaaring makaranas ng pagtatangi?
Diskriminasyon ng lahi o pinagmulan
Estado ng pamumuhay
Kulay ng balat
Kasarian
Pananaw o opinyon sa buhay
Pagkakaroon ng sakit o kapansanan
Maaaring tingnan ang ilan sa link na ito para makapagbasa ka ng karagdapang impormasyon:
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkapantay-pantay: brainly.ph/question/2151058:
#brainly
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.