IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ito ay Kanluraning estilo o arkitekturang lumaganap noong huling bahagi ng ika-17 siglo.

Sagot :

Answer:

Hanapin

Arkitekturang Baroko

Wika

I-download bilang PDF

Bantayan

Baguhin

Ang arkitekturang Baroko ay isang estilo ng pagtatayo ng mga gusali noong panahong Baroko, na nagsimula sa dulo ng ika-16 na siglo sa Italya, na umayon sa bokabularyong Romano ng arkitekturang Renasimiyento at ginamit sa isang bagong estilong pangretorika at panteatro, na madalas na isalamin ang pagtatagumpay ng Simbahang Katolika. Kinatatangian ito ng mga bagong pagtuklas sa hulma, liwanag at anino, at dramatikong sidhi. Ang madadalas na katangian ng arkitekturang Baroque ay malalakihang proporsiyon; isang malaking bukas na sentral na espasyo kung saan lahat ay makakakita ng dambana; pulupot na mga haligi, mala-teatrikong pagsambulat, kasama ang ilaw na nagmumula sa kupola sa itaas; dramatikong epekto sa loob sa pamamagitan ng tanso at pagtutubog; kumpol ng mga inukit na anghel at iba pang piguro sa ibabaw; at masaklaw na paggamit ng trompe-l'oeil, na tinatawag ding "quadratura," na pinta ng mga detalyeng pang-arkitektura sa mga dingding at kisame, upang lalong lumakas ang epektong pangdramatiko at panteatriko.[1]

Patsada ng Simbahan ng Gesù, ang unang totoong patsadang Baroko.

Mga fresco sa kupola ng Gesù ni Gaulli

Kaiba sa Renasimyento na humalaw ng yaman at kapangyarihan sa mga korte ng Italya at halong mga puwersa ng sekular at relihiyoso, ang Baroko, ay sa una, tuwirang nakaugnay sa Kontra-Reporma, isang kilusan sa loob ng Simbahang Katolika na tumuligsa sa Repormang Protestante.[2] Ang arkitekturang Baroko at ang mga pampaganda ay sa isang banda mas naging malapit sa mga damdamin at sa isang banda, isang litaw na pagpapakita ng yaman at kapangyarihan ng Simbahang Katolika. Naisabuhay ang bagong estilong ito partikular sa kinalalagyan ng mga bagong ordeng relihiyoso, gaya ng mga Teatino at ng mga Heswita na naglayon sa pagpapaunlad ng relihiyosong pagpapakabanal.

Ang Baroko na sining Luterano, gaya ng sa Dresden Frauenkirche (1726-1743), ay umusbong bilang konfesiyonal na tanda ng pagkakakilanlan, tugon sa Dakilang Pagwasak ng mga Bulto ng mga Calvinista.[3][4]

Ang arkitektura ng Mataas na Romanong Baroko ay mauugnay sa pamumuno nina Urbano VIII, Inocencio X, at Alejandro VII, mula 1623 hanggang 1667. Tatlong pangunahing arkitekto ng panahong ito ay ang manlililok na si Gianlorenzo Bernini, Francesco Borromini, at ang pintor na si Pietro da Cortona na nagpaunlad ng kani-kaniyang natatanging indibidwal na arkitektural na pagpapahayag.

Ang pagpapakalat ng arkitekturang Baroko sa timog Italya at nakapagbuo ng mga kaibahang rehiyonal gaya ng Sicilianong Baroko o ng Napoles at Lecce. Sa hilaga, ang mga Teatinong arkitekto na sina Camillo-Guarino Guarini, Bernardo Vittone, at Filippo Juvarra na tubong Sicilia ay nakapag-ambag sa mga gusaling Baroko ng lungsod ng Turino at rehiyong Piemonte.

Isang pagsasanib ng mga arkitektura nina Bernini, Borromini, at Cortona ay makikita sa huling arkitekturang Baroko ng hilagang Europa na nagbigay-daan sa mas mapalamuti na estilong Rococo.

Sa kalagitnaan ng ika-17 siglo, ang estilong Baroko ay nakatagpo ng mga sekular na pagpapahayag sa porma ng mga dakilang palasyo, na nagsimula sa Pransiya—gaya ng Château de Maisons (1642) malapit sa Paris ni François Mansart—at saka sa buong Europa.

Sa ika-17 siglo, kumalat ang arkitekturang Baroko sa Europa, Amerikang Latino, at Pilipinas, na kung saan tiyak na pinalaganaap ito ng mga Heswita