IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

kaaing kahulugan ng mayaman​

Sagot :

KASINGKAHULUGAN NG MAYAMAN

Answer:

Ang kasingkahulugan ng mayaman ay may kaya o sagana sa buhay. Ibig sabihin ng salitang mayaman ay maraming salapi at ari arian. Subalit ang pagiging mayaman ay hindi lamang mararamdaman ng tao sa pagkakaroon ng maraming materyal na bagay. Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at masayang pamilya ay maitutruring na isang kayamanan. Dahil kapag malusog ang katawan ay malayo sa sakit na dahilan upang magawa ang kanyang tungkulin tungo sa pang unlad. Ang pagkakaroon naman ng masayang pamilya ay maituturing din na kayamanan sapagkat ito ang nagsisilbing inspirasyon sa pagtupad ng pangarap. Ang salitang mayaman ay madalas na tumutukoy sa mga bagay na ating nakikita lamang, gaya ng mga ari arian. Subalit maaari ding gamitin ang salitang mayaman sa pagkain, halimbawa ay mayaman sa bitamina na ang ibig sabihin ay sagana sa bitamina.

Ano ang kahulugan ng mayaman?

brainly.ph/question/454646

#LETSSTUDY