Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Answer:
A. BAHAY
*NOON- Pinili ng mga ninuno naten nuon ang manirahan sa mga kweba.
Sa kadahilanang mas nararamdaman nilang silay ligtas mula sa malalakas
na bagyo, mababangis na hayop at ibang masasamang pangkat ng mga tao.
Pangunahing pangkat ng mga Homo Erectus ang natagpuan nanahan sa mga kweba sa
lambak ng Cagayan.
*NGAYON- Sa kasalukuyang panahon ang mga tao ay natutong gumawa ng
mga istraktura ng tirahan. Maaring ito ay yari sa kahoy o bato, napapalibutan
din ito ng haligi, bubong, bintana, at lagusan o pinto.
B. PINUNO NG KOMUNIDAD
*NOON- Barangay ang uri ng pamahalaan nuong unang panahon at
pinamumunuan ito ng isang Datu. Ang Lakan or Rajan naman ang
tawag sa pinunong namamahala sa mas malaking pangkat ng Barangay.
*NGAYON-Ang Pamahalaan ang nangangasiwa sa komunidad ng ating bansa.
Isa itong pangkat ng mga tao o lahi na pinumumunuan ng isang pinuno o Pangulo
at may sinusunod na mga batas at panuntunan.
C. HANAPBUHAY
*NOON- nababatay ang hanapbuhay ng mga sinaunang tao sa heograpikal
na lokasyon ng kanilang pamayanan. Ang ilan sa mga hanap buhay
ng mga sinaunang tao ay Pangingisda, paghahayupan, pagmimina at pagsasaka.
*NGAYON- Sa panahon ngaun may pantay na karapatan sa pagtatrabaho ang
mga lalaki o babae. Marami ng iba-ibang uri ng hanapbuhay ang nasa
komunidad, kadalasan na nababatay ito sa propesyon o larangan ng kagalingan.
Halimbawa: Doktor , Arkitekto, Pulis, Sandalo atbp.
D. SASAKYAN
*NOON - ang pagkakaroon ng sasakyan ay isang uri ng pagpapakita ng
estado ng pamumuhay ng tao nuon. Ang pangunahing uri ng sasakyan
sa panahon ng kastila ay ang kalesa, kilalang mga mayayaman lamang
ang nag mamay-ari at sumasakay ng kalesa.
*NGAYON- Dahil sa pag-unlad at teknolohiya sa makabagong panahon,
marami ng uri ng sasakyan ang ginagamit at hindi na din ito nababatay
sa estado ng pamumuhay. Sapagkat, mayroon ng pampublikong transportasyon
na maaring gamitin ng sinu man, katulad na lamang ng mga jeep, bus , atbp.
E.PANANAMIT
*NOON- nang sakupin ng Espanyol ang Pilipinas, na impluwensyahan
nila ang paraan ng pananamit ng mga Pilipino. Kadalasan ay balo't na balot
ang istilo ng kanilang pagsusuot ng damit.
*NGAYON: kahit walang dayuhang nanakop sa modernong panahon ngayon, ang
mga Pilipino ay sumusunod pa din sa nauusong damit sa ibang panig
ng mundo. Tinatawag nila itong "Fashion".
F. LIBANGAN
*NOON- simple at payak ang uri ng mga libangan ng sinaunang panahon,
hindi sila gumagamit ng mga makabagong kagamitan upang makalikha ng libangan.
*NGAYON- sa kasalukayang panahon mas nangingibabaw ang paggamit ng
mga makabagong teknolohiya o gadget sa paraang pang libangan ng mga tao.
Explanation:
i hope sana makatulong
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.