Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Paano mo naipapakita ang pagmamahal mo sa iyong magulang?​

Sagot :

Answer:

-Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanila, paggugol ng oras sa kanila, pagpapakita sa kanila na sila ay minamahal.

-Sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay para sa kanila upang mapasaya sila at sabihin sa kanila kung gaano mo sila pinahahalagahan.

Study well!

Answer:

  • Pagiging masunurin sa mga pinag-uutos at patakaran sa loob ng tahanan
  • Pagiging magalang at respeto sa nararamdaman nila
  • Pagpapakita ng pagmamalasakit sa pagtulong sa kanila
  • Pag-aaruga at pag-aalaga sa kanila sa panahon na may sakit sila
  • Pag-aaral ko ng mabuti sa paaralan
  • Pagpapasakop sa awtoridad nila
  • Pagpapahalaga sa mga nagagawa nila para sa pamilya
  • Pagkakaroon ng empatiya sa kanila

Pagsasabi ng mabubuting mga salita sa kanila

Paliwanag:

Ilan lamang iyan sa mga nagagawa ko sa aking mga magulang. Maituturing kong regalo sila sa buhay ko. Walang ibang papantay sa kanila sapagkat ginagawa ng ating mga magulang ang lahat ng makakaya nila para sa atin. At bilang pagsukli sa kabaitan nila ay pagpapakita rin ng pagmamahal sa kanila sa paraan ng pagsasalita, paggawi at pagkilos natin. Ang ating mga magulang ay malaking parte ng buhay natin. Nagsisilbi silang guro, tagapayo at tagapagpa-alala sa atin upang hindi tayo mapahamak sa mga desisyon na gagawin sa buhay.

Kaya humanap tayo ng mga pagkakataon na ipamalas ang pag-ibig sa ating mga magulang. Pasayahin ang puso nila dahil paraan ito ng pagkakaisa at kagalakan sa ating pamilya. Laging itatak sa puso at isipan natin na pasayahin ang puso nila at patuloy gawin ang lahat para maipadama ang pag-ibig sa kanila. Mahalin at pahalagahan ang mga magulang habang sila ay nabubuhay pa.

Anu-ano pa ang ilan sa mga paraan para maipakita natin ang pagmamahal sa ating magulang?

Bigyan sila ng simpleng sulat o kaya regalo

Matututong magsabi ng salamat at mahal ko kayo

Hindi paggawa ng mga bagay na nakakasama sa loob nila

Pag-iwas sa pagsasabi ng kasinungalingan

Pagiging tapat at maaasahang anak

pa brainliest ty