IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
Ano ang Sex?
Ang sex ay tumutukoy sa isang biyolohikal na konsepto na nakabatay sa mga biyolohikal na katangian ng isang tao tulad ng pagkakaiba ng genitalia(ari) ng mga lalaki at babae. Sa kabilang banda ang gender naman ay tumutukoy sa pansarili, panlipunan at pangkulturang perspektibo ng mga tao sa kanilang kasarian.
Explanation:
Ano ang Gender?
Ang gender ay ginagamit din upang tukuyin kung babae o lalaki ang isang tao ngunit ang ginagamit na batayan ay ang mga panlipunan at pang-kulturang pagkakaiba ng dalawang kasarian. Minsan ay ginagamit din ang gender upang tukuyin ang pagkakilanlan ng isang tao na hindi pasok sa karaniwang kahulugan ng lalaki at babae.
Sa madaling salita ang sex ay isang biyolohikal na katangian na taglay nang isang tao simula ng siya ay pinanganak at maaari lamang ito mabago kung dadaan sa isang operasyon ang tao na ito para baguhin ang kanyang kasarian. Ang gender naman ay nahuhubog ng personal na pananaw ng isang tao at ang gawi ng lipunan na nakapalibot sa kanya