Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Mahalagang naiambag ni Antonio Luna


Sagot :

Answer:

Alam nyo bang?

Dalawang mahalagang bagay ang nagawa ni Antonio Luna para sa mga Pilipino, bagaman maraming naiambag na mahahalagang bagay noong kaniyang kapanahunan. Isa siyang Pilipinong siyentipiko at magiting na mandirigma noong sakupin ang Pilipinas ng mga Amerikano. Sa katunayan, isa siya sa mga tinaguriang magiting na Pilipinong heneral.

May angking talino si Luna sa Agham at Medisina. Sa katunayan ay tinapos nya ang “Doctorate in Pharmacy” at pagkatapos nyang tumungo sa Paris, minabuti nyang umuwi sa Manila. Siya ang unang Pilipinong nagsagawa ng pagsasaliksik at pag-aaral sa kapaligiran. Nalaman niya na maraming pinagkukunan ng tubig-inumin sa kanyang panahon na hindi pala ligtas itong inumin dahil sa taglay nitong mga mapaminsalang mga baktirya.

Kauna-unahan din siyang Pilipino na nakatuklas na ang dugo ng tao ay pwedeng gawing ebidensya sa tuwing may imbestigasyon sa krimen.

Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.