Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

22. Maraming mga naging pinuno ng simbahan ang nakatulong sa paglakas ng pundasyon ng simbahang katoliko Romano noong panahong Medieval. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang naglalarawan ng mahalagang pangyayaring naganap sa simbahang katoliko sa panahong Medieval?
A. Ang mga hari ay lumakas ang kapangyarihan sa panahong Medieval
B. Naghiwa-hiwalay ang lahat ng Kristiyano sa buong imperyo ng Rome.
C. Lumakas ang panunungkulan at kapangyarihan ng papa bilang pinuno ng simbahan
D. Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong sa katanyagan ng simbahang katoliko
23. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng simbahang katoliko sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalakay ng mga tribong barbaro? A.Naging kalaban ng mga tao ang simbahan. B. Nagpautang ang simbahan ng puhunan para sa mga magsasaka.
C. Bumuo ang simbahan ng mga programa para sa libreng edukasyon
D. Nagsilbing kanlungan ng mga tao ang simbahan sa panahon ng pangangailangan
24. Sino sa mga sumusunod ang kinoronahan ni Papa Leo III bilang "Emperador ng Rome" noong 800 C.E?
A.Charlemagne
B. Charles Martel
C. Clovis
D. Pepin the Short
25. Ano ang tawag sa pinakamataas na lider sa simbahang Katoliko?
A.Arsobispo
B. Obispo
C. Pari
D. Pope o Papa
26. Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahati sa tatlong uri ng mamamayan, ang mga pari, kabalyero at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
B. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka,
C. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
D Malaya nilang napauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
27. Ang krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
0. Mapalawak ang teritoryo ng mga kristiyano A. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
B. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang katoliko
C.Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim​