Teodora alonzo
Si Teodora ay ikalawa sa mga anak nina Lorenzo Alonzo at Brijida de Quintos. Ang kaniyang ama ay naging kapitan ng munisipyo ng Biñan,
Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, kasapi ng isang
samahan ng mga Katoliko sa Isabela, at agrimensor. Ang kaniyang ina
naman ay galing din sa prominenteng pamilya. Siya ay nakapag-aral sa Kolehiyo de Santa Rosa.
Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda, alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849.