Pandiwa-ay tumutukoy sa mga salitang nagsasaad ng kilos o nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lupon ng mga salita.Ito ay binunubuo ng salitang-ugat at panlapi.Maaaring gumamit pa ng isa o higit pang panlapi sa pagbuo ng kilos na ito.Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.
3 Aspekto ng Pandiwa
1.Aspektong Naganap o Perpektibo – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.
2.Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
3.Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.